Friday, September 08, 2006 

Girls and Cellfones (From a GUY'S point of view)

1. bakit ang babae babagsakan ka ng telepono pero iintayin ka naman to call back?

2. bakit pag ang cellfone nila naka-off ok lang pero pag akin ang naka-off, nambabae na raw ko

3. bakit pag may nagtext sa kanya ng cute message, admirer niya, pero pag sakin may nagtext, nangfiflirt daw ako

4. bakit pagmay finorward siyang i luv you message sa kin, ang sweet niya, pero pag ako, galing yon sa isang chick ko

5. bakit pag nagmiss-call siya kelangan, tatawagan ko siya, pero pag ako nagmisscall, deadma!

6. bakit pagmay lalaki sa phone book niya, friends daw niya yon, pero pag sa akin may bebehs, bubusisiin niya

7. bakit pagnaputol siya while talking sa cell, low batt daw, pag ako naman ang naputol, style ko daw kunwari low batt pero binaba ko lang

8. bakit lagi siyang nakikitext sa akin, meron naman siyang load

9. bakit tuwing narinig niya ang message alert sa phone ko, siya pa ang unang babasa----di naman kanya yon a!

---oo nga naman....

Friday, September 01, 2006 

Bakit nga kaya ganon???

Bakit pag ang boyfriend mo nakita ang ex mo sa party na pinuntahan niyo at nainis siya, understandable, pero pag ikaw nailang sa ex niya, maarte ka?

Bakit pag ang boyfriend mo hindi ka mahanap sasabihin lakwatsera ka, pero pag siya hinanap mo, possessive ka?

Bakit pag ang boyfriend mo tawag ng tawag sa yo concerned siya, pero pag ikaw ang tumawag, makulit ka?

Bakit pag ang boyfriend mo laging naka-embrace at kiss sa yo sa public, affectionate siya, pag ikaw laging naka-hug, la ka raw hiya sa tao?

Bakit pag ang boyfriend mo panay ang aya mag-date, sweet siya, pag ikaw ang aya ng aya mag-date, demanding ka?

Bakit pag ang boyfriend mo vocal sa love niya, romantic siya, pag ikaw obsessed ka?

Bakit pag ang boyfriend mo nag-propose ng marriage committed siya, pag ikaw nagbanggit ng kasal, nagmamadali ka?

Bakit pag ang boyfriend mo laging nag-o-OT, dedicated siya sa trabaho, pag ikaw wala kang panahon sa kanya?

Bakit pag ang boyfriend mo nag-offer maghatid-sundo sa yo protective siya, pag ikaw wala kang tiwala?

Bakit pag ang boyfriend mo nagpasama sa yo mag-shopping he values your opinion, pag ikaw nagpasama dependent ka masyado?

Bakit pag ang boyfriend mo naglalaway sa FHM, natural lang, pag ikaw kinilig kay Josh Hartnet malandi ka raw?

Bakit ganun???

 

Liars!

HINDI KO NA SYA MAHAL (HINDI KO SYA MAHAL)

Naranasan mo na bang magsabi nyan??? Kung OO ang sagot mo, pwes! alam mo ba na out of 10 people na nagsabi nyan 5 ang nagsasabi ng totoo?? yes! meaning 5 ang sinungaling! Kasi, minsan maraming dahilan kung bakit nasasabi yan... iSiPin MO ito..Nasasabi ang linyang yan sa mga sitwasyon gaya ng..

NAGUGULUHAN = ito ung mga taong nasa isang relasyon pgktapos eh may iba pang mahal na iba.. kailangan nilang mapaniwala ang sarili na hindi na hindi na nila mahal ung isa para, mahalin naman ung isa pa. (HALIMBAWA: im sori may iba na kong mahal, HINDI NA KITA MAHAL) pero echos! ang totoo di ka naman syur kung sino pa talga sa kanila ang matimbang... gets mo? (kung hindi kawawa ka naman..=)

MASAMA ANG LOOB = eto naman ung mga taong katatapos lng hiwalayan o nagawan ng di maganda sa isang relasyon. (HALIMBAWA: bakit nya nagawa sakin toh! HINDI KO NA SYA MAHAL!) pero ay naku dala lng yan ng sama ng loob mo..sige hinga ng malalim..tulog ng mahimbing.. paggising mo bukas naku...sya na naman ang naalala mo..(miz mo noh?

BUSTED = as in ayaw nya daw sayo.. PARE OKEY KA LNG? (SAGOT: okei lng ako pre, wala na un hindi ko na rin sya mahal) uyyy pa-macho epek.. SISTER OKEY KA LNG? (SAGOT: yuh im okei, as in hindi ko na sya mahal noh?!) ows? go gurl!

LIHIM NA PAG-IBIG = eto naman ung mga taong ayaw ipaalam sa kanilang minamahal ang totoo, para lang mapagtakpan ang nararamdaman nila, lalo na't binubuking na sila.. (HALIMBAWA: Hindi ko sya mahal ah, friend lng ang turing ko sa kanya.) ay naku! yan din sinabi ni jolina kay marvin!

PA-I WILL SURVIVE epek = eto ang mga taong gusto ng kumawala sa hawla ng alala ng taong minamahal..(HALIMBAWA: pagod na ko..from now on, kakalimutan ko na sya, hindi ko na sya mahal! smart na ko ngayon, i will survive!) ...hehe sino ka? si kris aquino??

TAAS NG PRIDE = eto ung mga taong di nila maamin sa sarili nila na mahal nila ang isang person kc nga malayo sa standard nila ung gurl/guy or lets say may ibang dahilan..pero nainlab sila. (HALIMBAWA: yun? hindi ko sya mahal noh. ako pa kilala nyo ko) sabay Naka cross ang mga fingers ng kanilang hands and feet!

TAKOT = eto ung mga taong dahil ilang beses na nasaktan sa larangan ng pag ibig, eh ayaw ng magmahal kahit na mahal naman talga nila ang isang taong nagmamahal sa kanila..(HALIMBAWA: ayaw ko ng masaktan ulit...hindi kita mahal.) ..o tapos? hehe.

PAGHIHIGANTI = eto naman ung mga taong binabalikan matapos ng hiwalayan...syempre sobra nga naman sila nasaktan kaya sasabihan nya ng "MASYADO AKONG NASAKTAN SA MGA NANGYARI, HINDI NA KITA MAHAL" ...o loko bagay sayo!

Maraming dahilan, maraming paraan para sabihin natin ito .. pero sana, sa susunod na sabihin mo sa kanyang hindi mo na sya mahal .. eh ung totoo na. Yung kaya mo na, yung sigurado ka, at un talga ang nararamdaman mo.. mahirap na.. Paano kung mawala pa sya?... Paano kung mahal ka pa talaga nya?.. Paano na kung mahal ka nya... Paano Kung mahal ka rin nya at mahal mo pa rin sya.

At sa ibang taong makakaranas naman neto.. pag sinabihan ka ng HINDI NA KITA MAHAL! / HINDI KITA MAHAL!

Chin up! and say...

STYLE MO BULOK! LIARS GO TO HELL!

 

Sacrifice or letting go?

Dumating ang isang tao sa buhay mo na di mo inaasahang mamahalin mo… Ang saya simula nung nandyan sya sa tabi mo .. Pagtulog hanggang sa paggising, sya ang nasa isip mo.. Pero, NAKAKATAKOT din… nakakatakot na masaktan muli..

Ang hirap noh?

Kahit na sinabi mo sa sarili mo na di ka na magmamahal muli, Ayon! Wala ka pa ring nagawa.. Mahal mo na eh! Eh pano kung dumating na naman yung oras na kinatatakutan mo? Yung kahit na mahal na mahal nyo isa’t-isa, hindi na kailangan pang ipagpatuloy..

Hay ano ba to! Ang hirap talaga! Di mo alam kung anong dapat gawin! Syempre iba ang isip sa sinasabi ng puso at sa sinasabi din ng iba…. Bwisit talaga noh? Kung meron lng sanang gamot, yung iinumin mo lang tapos makakalimot na?? Ano kaya hindi na lng magising para hindi maramdaman ang lahat ng sakit!!!!

Ano?? Ipagpapatuloy mo ba pa o pipilitin mong makalimutan sya? Sabi nila kapag natuto kang magmahal, matuto ka ding magparaya….. WOW! Parang ang dali!!!! Pagpinagpatuloy mo, bawat araw na magkasama kayo, hindi nawawala yung takot dahil alam mo, kapag pinagpatuloy nyo pa, lalo lang kayong masasaktan!! Kasi alam nyo sa isa’t-isa na hindi talaga kayo pwede…

Pagpinili nyo naman ang maglet go... Wla rin! Mas masakit pa ata, dahil alam nyo na mahal na mahal nyo pa ang isa’t-isa.. Pero di na kayo gaya ng dati... Syempre pagnaglet go, di mo na mapapadama kung gaano mo sya kamahal... wala ka na ding karapatan na tanungin kung mahal ka pa din nya..

Hay buhay, masarap magmahal pero masakit naman!!!! Itry nyo man magbigay ng space... NAKAKABALIW, nakatingin ka sa kawalan at inaalala ang mga kahapon na di na kailan pa man maaaring balikan!!! Hindi mo mamamalayan may luha na palang pumatak sa iyong mukha.. Luha na hindi maubos-ubos kahit na ilang beses ka pang umiyak. At bigla mo na lang matatanong sa sarili, “kumusta na kaya sya? My iba na ba? Limot na kaya nya ko? Kasi ako hindi pa,, tanging SIYA lang hanggang ngayon..”

Oh ano? Naisip nyo na ba kung anong mas tamang gawin?

Ay...

Teka muna…

Ano ba kasi ang tama? Di ba wala namang mali sa pagmamahal? Basta alam nyo na wala kayong sinasaktang ibang tao… oh... Eh bakit kailangang maglet go? Ah ewan!!! Ang gulo na noh?

Uhm.. pero ang alam ko... Makakaya nyo lahat, as in lahat2x kung talagang mahal nyo ang isa’t-isa…. Ano pa mang hirap na dumating, ipaglalaban nyo ang totoong nararamdaman nyo... At ngayon, kung my isang sumuko...

Tsk tsk tsk…

ISA LANG ANG TUNAY NA NAGMAMAHAL..…

 

Sino ang pipiliin mo?

sino ba ang mas mahalaga...ang taong mahal mo o ang taong gusto mong mahalin?

ang taong kasama mo buong araw o ang taong iniicip mo bago matapos ang araw?

siya bang kasakasama mo sa lhat ng ginagawa mo o siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa mo?

sino ba ang mas mhalaga...ung taong nais mong makasama habang buhay o ung taong hindi mo makita ang habang buhay kapag wala cya?

cno ang mas matimbang...ung taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras o ung taong tuwing iniicp mo'y parang kay bagal ng oras?

ano ang susundin mo...ang dinidikta mo sa puso mo o ang dinidikta ng puso mo syo?

sya ba un laging pumapasok sa icp mo o cya un laging laman ng panaginip mo?

cno nga ba...ang taong nagpaluha syo, o ang taong nagpunas sa minsang pagluha mo?

cno sa kanila...ang taong nagpapatawa syo o ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?

cno nga bang pipiliin mo???ANG TAONG MULING NAGBUKAS NG PUSO MO...O ANG TAONG MATAGAL NG NANDOON?


My Pinoy Sanctuary is powered by Blogspot and Gecko & Fly.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.
First Aid and Health Information at Medical Health